Ang Estasyong Bambang ng LRT (Ingles: Bambang LRT Station) ay isang estasyon sa Manila LRT (LRT-1). Katulad ng iba pang mga estasyon ng LRT-1, nakaangat sa lupa ang estasyong Bambang. Matatagpuan ang estasyon sa Santa Cruz, Maynila, sa Abenida Rizal. Ipinangalan ang estasyon mula sa Kalye Bambang, ang kalyeng katabi ng estasyon.
Nagsisilbi bilang pansiyam na estasyon ang estasyong Bambang para sa mga treng LRT-1 na patungo sa Baclaran at pang-labindalawang estasyon para sa mga treng patungo sa Roosevelt. Isa rin ito sa limang estasyon ng LRT na naglilingkod sa distrito ng Santa Cruz, ang iba pa ay Blumentritt, Tayuman, Doroteo Jose, at Carriedo.
Mga kalapit na palatandaang pook
Malapit ang estasyon sa mga pangunahing ospital tulad ng Jose Reyes Memorial Medical Center, Ospital ng San Lazaro, at Metropolitan Medical Center; gayundin sa mga institusyong pang-edukasyon tulad ng Mataas na Paaralan ng Saint Stephen, Mataas na Paaralan ng Doña Teodora Alonzo, Paaralang Kristiyano ng Hope, Mababang Paaralan ng Francisco Balagtas, at Pamantasan ng Santo Tomas.
Mga kawing pangpanlalakbay
Maaaring kumuha ng mga dyip, traysikel, o taxi mula Estasyong Bambang ang mga mananakay patungo sa kanilang destinasyon sa Santa Cruz, Sampaloc at Tondo.
Pagkakaayos ng Estasyon
14°36′40″N 120°58′57″E / 14.61111°N 120.98250°E / 14.61111; 120.98250