Ang Estasyon ng Antipolo o Himpilang Antipolo ay isang estasyon sa Linyang Bughaw (MRT-2). Ang himpilang Antipolo ay isa sa maraming mga himpilang nakaakyat sa lupa. Nagsisilbi ang himpilan para sa Lalawigan ng Rizal sa Lungsod ng Antipolo at ipinangalan mula sa Tagpuang Masinag sa pagitan ng Marcos Highway at Sumulong Highway.
Ang himpilang Antipolo ay ang silangang hangganan ng MRT-2 kung saan nagwawakas ang ruta ng mga treng MRT-2 mula sa Recto[1]. Ito rin ang unang himpilan para sa mga tren na patungong Recto.
Malalapit na pook-palatandaan
Ang estasyon ay konektado sa SM City Masinag at East Gate Business Center and Terminal Center kung saan ay mayroong terminal para sa mga bus, mga e-jeep at mga tricycle na papuntang Padilla-Paenaan at city proper ng Antipolo. Ang iba pang mga pook-palatandaan na malapit sa estasyon ay ang Diocesan Shrine and Parish of St. Therese of the Child Jesus, Cornel Medical Center, at Metro Antipolo Hospital and Medical Center.
Mga sanggunian