Ang entrée ( //AHN-tray; Pranses para sa "pasukan"), literal na "paunang hain" o "pang-umpisang pagkain" (unang ipinasok na pagkain) ay isang ulam o putahe na inihahain bago ang pangunahing kurso ng pagkain.[1][2][3]
Ang pagkawala noong kaagahan ng ika-20 daantaon ng isang malaking pampamayanang pangunahing kurso na katulad ng isang litson ("sinangag" na karne) bilang isang pamantayang bahagi ng pagkain sa mundong nagsasalita ng wikang Ingles ay humantong sa kataga upang gamitin bilang panlarawan sa mismo sa pangunahing kurso sa ilang mga pook.[4] Ang ganitong paggamit ay malawak na nakahangga sa Hilagang Amerika at hindi karaniwan sa karamihan ng mga bansang nagsasalita ng Ingles. Subalit, ang paggamit na ito ay ibinigay ng ilang mga talahulugang Britaniko[1][5][6] ngunit hindi ng iba.[7]
Ang katagang entrée ay madalang na ginagamit para sa isang hors d'oeuvre, na tinatawag ding "unang kurso", "pampagana" (appetizer) o "pansimula" (starter). Subalit, sa Pransiya, ang katagang "entrée", na isang salitang Pranses na nangangahulugang isang pasukan o simula, ay palaging naglalarawan ng isang unang kurso, hindi ang pangunahing kurso.
Noong 1970, ibinigay ni Richard Olney, isang Amerikanong naninirahan sa Paris, ang lugar ng entrée sa loob ng isang buong menung Pranses: Isang hapunan na nagsisimula sa pamamagitan ng isang sabaw at tumatakbong mayroong isang pagkaing isda, isang entrée, isang sherbet (sorbet), isang litson, ensalada, keso at pamutat, at iyan ay maaaring masamahan ng magmula sa tatlo o anim na mga alak, na naghaharap ng isang natatanging suliranin ng orkestrasyon (pagbibigay).[8] Noong 1967, ibinilangkas ni Julia Child at ng kaniyang mga kaakda[9] ang katangian ng ganiyang mga entrée, na – kapag hindi nauna sa isang litson – ay maaaring magsilbi bilang pangunahing kurso o pangunahing pagkain ng isang pananghalian, sa loob ng isang kabanata ng "Entrées and Luncheon Dishes" na kinabibilangan ng mga quiche, mga tart at mga gratin, mga soufflé at mga timbale, gnocchi, mga quenelle at mga crêpe.
Mga sanggunian