Si Hidehito (英仁) ang ika-118 na Emperador ng Hapon na umupo sa Trono ng Krisantemo. Dahil sa pagiging sakitin maaga siyang namatay dahil umabot lang ang kanyang buhay ng 22 taon. Ipinanganak siya noong ika-5 ng Agosto ng taong 1758 at namatay noong ika-16 ng Disyembre ng taong 1779.[1]
Labing tatlong taong gulang lang siya noon nang umupo siya bilang Emperador noong ika-23 ng Mayo ng taong 1771. Walong taon lang siya nagtagal sa trono. Pinalitan siya sa trono ng kanyang pamangkin na si Tomohito o kilala bilang Emperador Koukaku.
Noong siya’y namatay tinawag siyang Emperador Go-Momozono. Ang Go-Momozono ay ang kanyang nengo o pangalan ng panahon ng panunungkulan sa trono. Ito ay halaw sa kanyang amang si Toohito na tinawag na Emperador Momozono. Ang ibig sabihin ng panimulang Go sa Go-Momozono sa nengo ni Hidehito ay “Panghuli o Pangalawa” kung kaya’t ang Go-Momozono ay maaring isalin bilang Ang Panghuling Momozono o ang Ikalawang Momozono. Pwede ding Momozono II.
Si Hidehito ang unang anak ni Toohito o mas kilala bilang Emperador Momozono. Ang kanyang ina ay si Emperatris Tomiko Ichijou. Naging asawa niya si Emperatris Koreko Konoe. Walang anak na lalaki si Go-Momozono, kaya’t wala siyang pag-iiwanan ng kanyang korona.
Noong siya’y mamamatay na, inampon niya ang kanyang pamangking si Tomohito. Pero meron siyang isang anak, si Prinsesa Yoshiko na naging asawa ni Tomohito noong ito’y maging Emperador. Si Emperatris Yoshiko ay kinilala din bilang Shin-Seiwa-in ng kanyang mga kinasasakupan.