- Para sa Abogado Heneral ng Mayrland, tingnan ang Edgar Allan Poe (Abogado Heneral ng Maryland)
Si Edgar Allan Poe (19 Enero 1809 - 7 Oktubre 1849) ay isang Amerikanong manunulat. Nakilala siya dahil sa pagsulat ng nakagigimbal na mga maiikling kuwento at mga tula. Ang "The Raven" ang pinakakilala niyang tula, isang po siyang nagsasalaysay tungkol sa ng pagdadalamhati at kawalan ng isang lalaki. Kasama sa iba pa niyang mga akda ang "The Tell-Tale Heart" at "The Cask of Amontillado." Gumanap ring patnugot at manunuring pampanitikan si Poe, kaya itinuturing din siya bilang bahagi ng Kilusang Romantiko sa Amerika. Kinikilala siya bilang imbentor ng uri ng salaysaying kathang-isip na pangdetektibo, at isa ring kontributor sa lumalaganap nang henero ng salaysaying makaagham.[1] Siya ang kauna-unahang kilalang Amerikanong manunulat na sumubok na maghanapbuhay sa pamamagitan ng pagsusulat lamang, na naging sanhi ng kahirapang pangpananalapi sa buhay at larangan.[2]
Talambuhay
Isinilang si Poe Boston, Massachussets noong 1809 sa isang mag-asawang kapwa mga aktor, subalit hindi matagumpay ang kaniyang amang lasinggero. Kinupkop si Poe ng isang mag-asawang walang anak (ang mag-asawang Allan [apelyido]), nang mawala sa di-nalalamang dahilan ang kaniyang ama, at nang mamatay dahil sa tuberkulosis ang kaniyang ina. Pinaniniwalaang naging inspirasyon ni Poe sa pagsusulat ang pagkakaroon ng isang tagapag-alagang negro - taong maitim ang kulay ng balat - na nagdadala kay Poe sa silid ng mga katulong. Sa pagkakataong ito nakarinig ng mga kuwento tungkol sa mga multo.[3]
Napangasawa niya ang isang 13-taong gulang na pinsan noong 1836. Namatay ang kaniyang asawa noong 1847 dahil sa sakit na tuberkulosis. Namatay si Poe noong 1849.[3]
Edukasyon
Nagsimulang mag-aral si Poe sa Richmond, Virginia, ang lugar kung saan namatay ang kaniyang tunay na ina. Noong 1815, isinama siya ng mga umampong magulang sa Inglatera kung saan nakapag-aral siya sa ilang mga paaralan. Bumalik siya Richmond noong 1820. Noong 1826, nagpatala siya sa Pamantasan ng Virginia subalit nilisan niya ito dahil sa kahirapang may kaugnayan sa pananalaping pangtustos sa pag-aaral.[3]
Mga hinahangaan
Isa sa mga hinahangaan ni Poe ang mga akdang tula ni Ginoo't-Panginoong Byron.
Mga piling akda
Nasa orihinal na mga pamagat sa wikang Ingles:
Mga kuwento
Panulaan
Iba pang mga gawa
Mga sanggunian