Eddie Gil

Eddie Gil
Kapanganakan
Eduardo Gil

7 Pebrero 1944
MamamayanPilipinas
Trabahomang-aawit, politiko

Si Eduardo “Eddie” Gil ay isang negosyante at politikong Pilipino. Napawalang-karapatan sya sa pagtakbo sa general elections ng Filipinas ng 2004.

Tinitingnang bilang isang medyong kaduda-dudang karakter, kilala si Gil noong dekada 1980 bilang malakas na tagasuporta ng noong-Pangulong Ferdinand Marcos. Pahayag nyang isa syang bangkerong internasyonal at bilyonaryo na, kung naideklarang pangulo, ay babayaran ang buong utang ng kanyang bansa (trilyong-trilyong piso) mula sa kanyang sariling bulsa. Nag-akit ang pangakong ito ng pangungutya lalo na nung naibunyag na tumalbog ang tsekeng inisyu nya sa isang hotel noong isa sa kanyang mga sorti sa kampanya.

Orihinal na inapirma ng Commission on Elections (COMELEC) ang kandidatura ni Gil. Nagsampa ng petisyon ang ribal na kandidatong si Eddie Villanueva upang mapadeskalifika si Gil base sa kanyang paniniwala na isa syang kandidatong panggulo, sa kanyang inabilidad na mangampanya sa antas nasyonal, at dahil din sa nakikita ni Villanuevang hangarin ni Gil na lituhin ang mga botante dahil sa pagkasimilar ng kanilang mga pangalan.

Kasalukuyang nagtatrabaho si Gil bilang recording artist at aktor at, dahil doon, pinaniniwalaan ng marami na ang tanging motibo nya sa pagtakbo sa halalan ng 2004 ay para magpakasikat. Kilala rin sya bilang ang William Hung ng Pilipinas, ngunit marami ang hindi nakakakita ng anumang pagkasimilar sa kanilang dalawa.

Ngayong 2005, magkakaroon sya ng upcoming na pelikulang pinamagatang Itim. Ipinagmamalaki nyang magkakaroon ang sine ng special effects na riribalin ang mga yon sa The Matrix ngunit, sa kasalukuyan, hindi pa ito nakokompirma. Noong 2004 nagkaroon sya ng konsyerto para isulong ang kanyang solo na “Pelukang Itim”. Ipinagmalaki nyang mag-o-“[overflow] with people” ang concert grounds ngunit sa araw mismo ay 10% lamang ng grounds ang naokupa.

Mga awitin

  • Baleleng
  • Carmelita
  • Hindi Ko Kaya
  • Inday Oh Aking Inday
  • Laruang Puso
  • Lumang Tindahan
  • Pelukang Itim
  • Pelukang Itim (Disco Mix)
  • Pelukang Itim (Sing-Along Version)
  • Pusong Wasak

Kawing palabas