Dragon Ball

Ang Dragon Ball (Hapones: ドラゴンボール, Hepburn: Doragon Bōru) ay isang pantasyang seryeng manga at anime mula sa bansang Hapon. Isa itong prangkisang midya na ginawa ni Akira Toriyama at nailathala ng baha-bahagi sa Weekly Shōnen Jump mula 1984 hanggang 1995, na may 519 na indibiduwal na mga kabanata na nailathala sa 42 na bolyum na tankōbon ng Shueisha. Naging inspirasyon ng Dragon Ball noong una ang klasikong nobelang Tsino na Journey to the West.[1][2]

Ang Dragon Ball ay isa sa pinakamataas na dalawampung pinakamabentang prangkisa ng midya sa lahat ng panahon, na nakaipon ng higit sa $20 bilyon sa kabuuang kita ng prangkisa noong 2018.[3]

Balangkas

Sinusundan ng serye ang pakikipagsapalaran ng bidang si Son Goku, mula sa kanyang pagkabata hanggang sa kanyang pagtanda habang nagsasanay siya sa sining pandigma. Lumaki siya na malayo sa kabihasnan hanggang nakilala niya ang isang kabataang nagngangalang Bulma, na hinimok siyang sumama sa kanya para sa isang pakikipagsapalaran sa paggalugad ng sanlibutan para hanapin ang pitong globo na kilala din sa tawag na mga Dragon Ball, na tinatawag ang mga dragon na nagkakaloob ng kahilingan kapag nakolekta. Sa kanilang paglalakbay, nagkaroon ng ilang mga kaibigan si Goku, naging pamilyado, natuklasan ang kanyang pagiging alien, at mga paglaban sa iba't ibang mga kontrabida, na karamihan sa kanila ay hinahanap din ang mga Dragon Ball.

Mga sanggunian

  1. Wiedemann, Julius (September 25, 2004). "Akira Toriyama". Sa Amano Masanao (pat.). Manga Design (sa wikang Ingles). Taschen. p. 372. ISBN 3-8228-2591-3.
  2. Clements, Jonathan; Helen McCarthy (September 1, 2001). The Anime Encyclopedia: A Guide to Japanese Animation Since 1917 (sa wikang Ingles) (ika-1st (na) edisyon). Berkeley, California: Stone Bridge Press. pp. 101–102. ISBN 1-880656-64-7. OCLC 47255331.
  3. Johnson, G. Allen (Enero 16, 2019). "'Dragon Ball Super: Broly,' 20th film of anime empire, opens in Bay Area". San Francisco Chronicle (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong Enero 16, 2019. Nakuha noong Enero 23, 2019.