Domenico Ghirlandaio

Domenico Ghirlandaio
Sinasabing pinta sa sarili, mula sa Pagsamba ng mga Mago, 1488
Kapanganakan
Domenico di Tommaso Curradi di Doffo Bigordi

6 Pebrero 1448(1448-02-06)
Kamatayan11 Enero 1494(1494-01-11) (edad 45)
Florencia, Republika ng Florencia
LibinganBasilika ng Santa Maria Novella
NasyonalidadItalyani
Kilala saPainter
Kilalang gawaMga pinta sa: Simbahan ng Ognissanti, Palazzo Vecchio, Santa Trinita, Kapilya Tornabuoni sa Florencia at Kapilya Sistina, Roma
KilusanRenasimiyentong Italyano

Si Domenico Ghirlandaio (NK /ˌɡɪərlænˈd/, EU /ʔlənˈʔ,_ˌɡɪərlənˈdɑːj,_ʔlɑːnˈʔ/, [1][2][3] Italian: [doˈmeːniko ɡirlanˈdaːjo]; 2 Hunyo 1448 - Enero 11, 1494), binabaybay rin bilang Ghirlandajo, ay isang Renasimiyentong Italyanong pintor na ipinanganak sa Florencia. Si Ghirlandaio ay bahagi ng tinaguriang "pangatlong salinlahi" ng Florentinong Renasimiyento, kasama si Verrocchio, ang magkakapatid na Pollaiolo, at si Sandro Botticelli. Pinangunahan ni Ghirlandaio ang isang malaki at mahusay na pagawaan na kasama ang kaniyang mga kapatid na sina Davide Ghirlandaio at Benedetto Ghirlandaio, ang kaniyang bayaw na si Bastiano Mainardi mula sa San Gimignano, at kalaunan ang kaniyang anak na si Ridolfo Ghirlandaio.[4] Maraming mag-aaral ang dumaan sa pagawaan ni Ghirlandaio, kasama ang tanyag na si Michelangelo.[4] Ang partikular na talento ni Ghirlandaio ay nakasalalay sa kaniyang kakayahang ipakita ang paglalarawan ng kontemporaneong buhay at mga larawan ng mga kapanahunang tao sa loob ng konteksto ng mga relihiyosong salaysay, na nagdudulot sa kaniya ng malaking katanyagan at maraming malalaking komisyon.[5]

Mga sanggunian

  1. "Ghirlandaio" Naka-arkibo 2019-05-31 sa Wayback Machine. (US) and "Ghirlandaio". "Oxford Dictionaries" (sa wikang Ingles). Oxford University Press. Nakuha noong 31 May 2019.
  2. "Ghirlandaio". The American Heritage Dictionary of the English Language (sa wikang Ingles) (ika-5 (na) edisyon). Boston: Houghton Mifflin Harcourt. 2014. Nakuha noong 31 May 2019.
  3. "Ghirlandajo". Merriam-Webster Dictionary (sa wikang Ingles). Nakuha noong 31 May 2019.
  4. 4.0 4.1 Vasari, Giorgio. "Domenico Ghirlandaio". Lives of the Painters. Inarkibo mula sa orihinal noong 2015-03-10. Nakuha noong 2014-05-11.
  5. Toman, RolfPadron:Full citation needed