Ang Gatsibo ay isang distrito (akarere) sa Silangang Lalawigan, Rwanda. Ang kabisera nito ay ang Kabarore.
Heograpiya
Binubuo ang distrio ng mga lugar sa hilagang-silangan ng Rwanda, sa pagitan ng Kayonza at Nyagatare. Ang base ng mga Aleman sa Gatsibo ay dating nakatayo rito, ang ngayo'y base ng militar sa Gabiro. Ang silangang bahagi ng distrito ay ang Pambansang Liwasan ng Akagera, kung saan matatagpuan ang ilog Kagera na bumubuo sa hangganan sa Tanzania.
Mga sektor
Binubuo ang distrito ng Gatsibo ng labing-apat na mga sektor (imirenge): Gasange, Gatsibo, Gitoki, Kabarore, Kageyo, Kiramuruzi, Kiziguro, Muhura, Murambi, Ngarama, Nyagihanga, Remera, Rugarama at Rwimbogo.
Mga sanggunian
Ang lathalaing ito na tungkol sa Rwanda ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.