Ang dikya[1] ay isang uri ng hayop sa dagat na nakasasanhi ng pangangati kapag nadikit sa balat ng tao. Mala-gulaman ang katawan na may galamay ng hayop pantubig na ito. Binabaybay din itong dikiya, at kilala bilang jellyfish sa Ingles. Sa larangan ng soolohiya, tinatawag na "payong" ang katawan ng isang dikya.[2]
Ang mga ito ay walang utak, mata, buto, at puso. Ang kanilang bibig ay matatagpuan sa sentro ng katawan nito. Dito kumakain at inilalabas ang kalat nito. Karaniwan ang kinakain nila ay mga isda, hipon, alimango, at mga maliliit na halamang pandagat.[3]
Ang dikya rin ay nagsisilbing pagkain sa iba pang mga pandagat na hayop, kabilang ang mga pawikan. Sa Tsina, ang mga dikya ay isang masarap na pagkain, ginagamit din ang mga ito bilang medisina.[3]
Mga sanggunian
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.