Ang Digmaang Sibil ng Libya o 2011 Himagsikang Libyano ay nagsimula bilang serye ng protesta at harapan na na nangyari sa Libya laban sa 42-taong pamumuno ni Muammar Gaddafi. Sa pagtapos ng Pebrero, halos buong bansa na ang kontrolado ng oposisyon. Ang mga hawak ni Gaddafi ay ang lungsod Tripoli, Sirt, Zliten and Sabha. Sa pagpasok ng Marso, ang mga pwersa ni Gaddafi ay gumanti at naging matagumpay sa mga silanganang lungsod tulad ng BregaRa's Lanuf at Bin Jawad, ngunit nagkaroon ng tigil-putukan noong Marso 17.
Kinondena ng maraming bansa ang paggamit ng dahas laban sa mga nagproprotesta at taong-bayan simula ng protesta hanggang ngayon.[18] Ang Canada, Estados Unidos, Hapon, Australia, ang United Kingdom, France, Jordan, and Russia ay nagtalaga na ng parusa (sanctions) laban kay Gaddhafi, pati mga travel bans sa pinuno, kamag-anak, at sa pangunahing opisyal ng Pamahalaang Libya. Nagtawag na ng no-fly zone ang Nagkakaisang Bansa (UN). Sinimulan nang umatake mula sa himpapawid ang mga pwersang Pranses, Briton at Amerikano sa pwersa ni Gaddafi.[19]
↑Correspondents in Paris (24 Pebrero 2 011). "Over 640 die in Libya unrest". News AU. Inarkibo mula sa orihinal noong 2011-06-29. Nakuha noong 24 Pebrero 2 011. {{cite web}}: |author= has generic name (tulong); Check date values in: |accessdate= at |date= (tulong)