Deutsches Historisches Museum

Patsada ng Zeughaus, ang pangunahing gusali ng Museo
Ang ekstensiyon ng museo

Ang Museong Pangkasaysayang Aleman (Aleman: Deutsches Historisches Museum), na kilala sa acronym na DHM, ay isang museo sa Berlin, Alemanya na nakatuon sa kasaysayan ng Alemanya. Inilalarawan nito ang sarili bilang isang lugar ng "kaliwanagan at pag-unawa sa ibinahaging kasaysayan ng mga Aleman at Europeo". Ito ay madalas na tinitingnan bilang isa sa mga pinakamahalagang museo sa Berlin at isa sa mga madalas na binibisita. Ang museo ay matatagpuan sa Zeughaus (taguan ng armas) sa Unter den Linden pati na rin sa katabing Exhibition Hall na idinisenyo ni IM Pei.

Ang Museong Pangkasaysayang Aleman ay nasa ilalim ng legal na anyo ng isang pundasyong nakarehistro ng Republikang Federal ng Alemanya. Ang pinakamataas na ranggo na katawan nito ay ang Lupon ng mga Katiwala (Kuratorium) na may mga kinatawan ng pederal na pamahalaan, ang Aleman na Bundestag (Parlamento) at ang mga pamahalaan ng Aleman na Länder, o mga estado.

Mga pasilidad

Mga bulwagan ng eksibisyon

Ang Zeughaus ay sarado para sa mga kinakailangang pagsasaayos at para sa pagpapanumbalik ng Permanenteng Eksibisyon mula noong Hunyo 28, 2021. Inaasahang magbubukas muli ito sa katapusan ng 2025. Ang apat na palapag ng Bulwagang Eksibisyong IM Pei ay nakatuon sa mga pansamantalang eksibisyon ng Museo.

Mga sanggunian

52°31′06″N 13°23′46″E / 52.51833°N 13.39611°E / 52.51833; 13.39611