Ang daloy ng suplay (Ingles: supply chain) ay isang komplikadong sistema ng lohistika na binubuo ng mga pasilidad kung saan ginagawang produktong tapos ang mga hilaw na materyales at ipinapamahagi ang mga ito[1] sa mga konsyumer[2] o mamimili.[3] Samantala, tumatalakay ang pangangasiwa sa daloy ng suplay sa daloy ng mga kalakal sa mga daluyan ng pamamahagi sa loob ng daloy ng suplay sa pinakaepisyenteng paraan.[4][5]
Sa mga sopistikadong sistema ng daloy ng suplay, maaaring pumasok muli ang mga ginamit na produkto sa daloy ng suplay sa anumang punto kung saan mareresiklo ang natitirang halaga. Nagkokonekta ang mga daloy ng suplay sa mga daloy ng halaga.[6] Kadalasang niraranggo ang mga tagatustos ayon sa "baitang", kung saan nagsusuplay ang mga tagatustos ng unang baitang sa kliyente mismo, nagsusuplay ang mga tagatustos ng ikalawang baitang sa unang baitang, at patuloy pa.[7]
Mga sanggunian
↑Ganeshan, R. and Harrison, T. P., An Introduction to Supply Chain Management [Pagpapakilala sa Pangangasiwa sa Daloy ng Suplay] (sa wikang Ingles), na-update noong 22 Mayo 2005, nakuha noong 29 Hunyo 2023
↑SCM Portal, Supplier Tiering [Pagbabaitang sa Mga Tagatustos] (sa wikang Ingles). Naka-arkibo 2023-04-07 sa Wayback Machine., Procurement Glossary na isinuplay ng CIPS, nakuha noong 11 Hulyo 2021