Ang Daang Cuevas–Bislig (Cuevas–Bislig Road) ay isang pandalawahang lansangan na may habang 46 kilometro (29 milya) na nag-uugnay ng mga lalawigan ng Agusan del Sur at Surigao del Sur.[1][2] Ini-uugnay nito ang Pan-Philippine Highway (o Lansangang Maharlika) sa Trento. Binabawasan nito ang oras ng paglalakbay mula sa katimugang bahagi ng Agusan del Sur papunta sa Bislig sa katimugang Surigao del Sur.
Sa ilalim ng sistema ng lansangang bayan sa Pilipinas, isang pambansang daang primera ang lansangan na may bilang ng ruta na Pambansang Ruta Blg. 73 (N73).
Mga sanggunian