Ang DZWX (1035 AM) Bombo Radyo ay isang himpilan ng radyo na pagmamay-ari at pinamamahalaan ng Bombo Radyo Philippines sa pamamagitan ng People's Broadcasting Service bilang tagahawak ng lisensya. Ang estudyo nito ay matatagpuan sa Bombo Radyo Broadcast Center, #87 Lourdes Subdivision Rd., Baguio, at ang transmiter nito ay matatagpuan sa Tam-awan, Brgy. Pinsao, Baguio.[1][2][3]
May sariling production center dati ang DZWX bilang Bombo Radyo Drama Production Center hanggang sa kumalas ito sa kanila noong unang bahagi ng dekada 90 bilang Saleng Productions Company. Gumawa pa rin ng mga programang pang-drama ang Saleng para sa himpilang ito hanggang 2016, nang nagretiro si Remy Balderas. Ang Luvlet Artists and Talent Center, na pag-aari ng mag-asawang Luvimin Aquino Sr. at Letty Astudillo-Aquino, ay kasalukuyang nagbibigay ng mga programang pang-drama sa mga himpilan ng Bombo Radyo sa Hilagang Luzon.[4][5]