Conrad Nantwin

Si San Conrad Nantwin (namatay noong 1286) ay isang santong Aleman at martir. Pumunta siya sa Roma, bilang pagtugon sa kanyang pangako at panata ng pagpipilgrimahe doon, pagkaraang maparatangan siya ng isang hindi totoong bintang na may kaugnayan sa isang malubhang krimen. Sa Wolfrathshausen, malapit sa Munich, Alemanya, sinunog siya sa isang alitubtub o parilyang ihawan. Bagaman walang tala ng mga motibo ng mga nagparatang sa kanya, itinuturing ang kanyang pagkamartir bilang resulta ng "pagkamuhi sa pananampalataya". Pagkalipas ng 12 taon pagkaraan ng kanyang kamatayan, pinahintulutan ni Papa Bonifacio VIII (1294-1303) ang pagpipitagan o paggalang (benerasyon) kay San Conrad Nantwin. Kabilang sa mga himalang pinamagitanan ni San Conrad Nantwin ang pagpapanumbalik ng pananaw sa isang mag-asawang bulag.[1]

Tingnan din

Mga sanggunian

  1. Magnificat, Tomo 11, Blg. 6, Agosto 2009, pahina 111.

Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.