Ang China Agricultural University (CAU, Tsino: 中国农业大学; pinyin: Zhōngguó Nóngyè Dàxué) ay isang unibersidad sa Beijing, Tsina, na ispesyalisado sa agrikultura, biolohiya , inhenyeriya, pagbebeterinaryo, ekonomika, pamamahala, humanidades at agham panlipunan. Ito ay nabuo noong 1995 sa pamamagitan ng pagsasanib ng Beijing Agricultural University at Beijing Agricultural Engineering University. Ang CAU ay isang Chinese Ministry of Education Class A Double First Class University.[1]