Chiaroscuro

Ang chiaroscuro (kiːˈɑːrə.ˈskʊroʊ, –ˈskjʊroʊ, Italyano para sa liwanag-dilim o "maliwanag at madilim") sa larangan ng sining ay ang paggamit ng malakas na mga pagkakaiba sa pagitan ng liwanag at ng kadiliman, na kadalasang malalakas, matatapang (katulad ng sa diwa ng "kapeng matapang" o maitim na kape na walang gatas) o makapal na mga pagkakaibang nakakaapekto sa kinalalabasan ng buong kumposisyon o dibuho. Isa rin itong teknikal na kataga na ginagamit ng mga artista ng sining (mga alagad ng sining) at mga manunulat ng kasaysayan ng sining para sa paggamit ng mga pagkakaiba ng liwanag upang matamo ang isang diwa ng bolyum (dami o kabuoan) sa pagmomodelo o paggawa ng mga huwaran ng mga bagay na tatlo ang mga dimensiyon, katulad ng katawan ng tao.[1] Ang kahalintulad na mga epekto ng paggamit ng liwanag sa sinema (pelikula) at potograpiya (paglilitrato) ay madalas na tinatawag din bilang chiaroscuro. Ang iba pang mga paggamit na mayroong pagtatangi o espesyalisasyon ay ang "pagtatabas ng kahoy na pachiaroscuro" (chiaroscuro woodcut) para sa mga kinulayang mga pagtatabas ng kahoy (mga woodcut kung tawagin sa wikang Ingles) na inilimbag sa pamamagitan ng iba't ibang mga bloke o tipak ng kahoy, na ang bawat isa ay pinaggagamitan ng iba't ibang mga tintang may kulay; at ang isa pang espesyalisasyon ay ang "pagguhit ng mga larawan na pachiaroscuro" (chiaroscuro drawing) para sa mga pagguhit o pagdodrowing sa ibabaw ng papel na may kulay na ang larawan ay iginuguhit na gumagamit ng madilim na midyum at puting kulay.

Mga sanggunian

  1. Glosaryo ng Galeriyang Pambansa, London, napuntahan noong 23 Oktubre 2011 (Ingles)

Sining Ang lathalaing ito na tungkol sa Sining ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.