Chad Peralta |
---|
|
Kapanganakan | Richard Edward Peralta 4 Pebrero 1985
|
---|
Ibang pangalan | Chad, Chad Peralta, Richard Peralta |
---|
Si Richard Edward Peralta o Richard Peralta[1] (ipinanganak 4 Pebrero 1985[2]), na mas kilala bilang Chad Peralta o Chad[1] lamang, ay isang artista at mang-aawit sa Pilipinas. Isa siyang Pilipino-Australyanong isinilang sa Sydney, Australya.[3]
Edukasyon
Bagaman isa nang kasangguni o may degri sa Impormasyon at Teknolohiya, isang musikero si Peralta. Nakalikha na siya ng ilang mga awitin. Natuto siyang tumugtog na gitarang klasiko mula pa noong labindalawang taong gulang pa lamang siya.[3]
Bilang artista
Unang lumabas sa telebisyon si Richard Peralta sa Pinoy Dream Academy, kung saan nakasama niya sina Panky Trinidad, Irish Fullerton, Jay-R Siaboc, Ronnie Liang, at Yeng Constantino.[3]
Naging daan ang Pinoy Dream Academy (Season 1) ng ABS-CBN upang maging isang alagad ng sining ng musika sa Pilipinas si Peralta. Habang nasa palabas, sumailalaim siya sa pagsasanay at nakaranas ng mga karanasang nakapagpainam ng kanyang talento sa pag-awit. Makalipas ang ilang linggong paglitaw sa Pinoy Dream Academy, inilabas ng Nugen Music ang isang album ni Peralta na naglalaman ng labing-isang mga awitin na kinabibilangan ng Promise, Song For You, Time Machine, My Eyes Adored You, Kasalanan, Where Do I Begin?, Realist, I’ll Do Anything For You, Kung Pwede Lang Sana, I Don’t Know, at ang isina-akustikong bersiyon ng kanyang Song For You. Kabilang sa katangian ng kanyang mga inakdaang kanta ang anyong pop rock at alternatibong pop, ngunit may pagpapanatili ng damdamin ng mga awit.[3]
Mga awitin
Kabilang ang mga sumusunod sa mga awitin ni Chad Peralta:[3]
- Kasalanan
- Realist
- Tired of You
- Kung Pwede Lang Sana
- Song for You
- Where Do I Begin?
- My Eyes Adored You
- Time Machine
Mga sanggunian
Mga kawing panlabas