Castel d'Aiano
Ang Castel d'Aiano (Gitnang Kabundukang Boloñesa: Castèl d'Ajàn) ay isang komuna (munisipalidad) sa Kalakhang Lungsod ng Bolonia sa hilagang rehiyon ng Italya ng Emilia-Romaña, na matatagpuan mga 35 kilometro (22 mi) timog-kanluran ng Bolonia. Ang Castel d'Aiano ay may hangganan sa mga sumusunod na munisipalidad: Gaggio Montano, Montese, Vergato, at Zocca. Mga monumento at tanawinSa Lambak Aneva, sa lokalidad ng San Cristoforo di Labante, mayroong Grotte di Labante, kabilang sa mga pinakakahanga-hangang travertinong yungib sa Italya. Sa nayon ay nakatayo ang simbahang parokya ng Santa Maria Assunta, na itinayo muli pagkatapos ng pagkawasak ng digmaan. Impraestruktura at transportasyonAng pinakamahalagang kalsada sa munisipalidad ay ang panlalawigan (dating estatal) 623 ng Passo Brasa. Mga sanggunian
Mga panlabas na linkInformation related to Castel d'Aiano |