Ang Candida ay isang maliit na bayan at komuna (munisipyo) sa lalawigan ng Avellino sa loob ng rehiyon ng Campania ng Italya. Matatagpuan ito sa tuktok ng isang burol, sa taas na 579 metro (1,900 tal) at may humigit-kumulang 1,100 na naninirahan. Ito ay 10 kilometro (6 mi) mula sa Avellino.
Ang ekonomiya ay pangunahing nakabatay sa agrikultura.
Mga pangunahing tanawin
- Simbahan ng SS. Trinità (monasteryo ng Sant'Agostino), na orihinal sa estilong Gotiko. Ito ay itinayong muli sa estilong Renasimiyento pagkatapos ng 1550.
- Monasteryo at simbahan ng Montevergine, na itinayo noong ika-15 siglo.
- Simbahan ng Collegiata (1540).
- Mga labi ng Lombardong kastilyo
Mga sanggunian