Ang Kuens (Italyano: Caines [ˈkaines]) ay isang comune (komuna o munisipalidad) sa Lalawigang Awtonomo ng Bolzano, rehiyon ng Trentino-Alto Adigio, hilagang Italya, na matatagpuan mga 25 kilometro (16 mi) hilagang-kanluran ng lungsod ng Bolzano sa Lambak Passeier.
Heograpiya
Noong Nobyembre 30, 2010, mayroon itong populasyon na 399 at may lawak na 1.7 square kilometre (0.66 mi kuw).[3]
Ang Kuens ay may hangganan sa mga sumusunod na munisipalidad: Riffian, Schenna, at Tirol.
Kasaysayan
Noong unang bahagi ng ikawalong siglo, ang Kuens ay naging lugar ng isang maliit na monasteryo na itinatag ni San Corbiniano, na nabighani sa kagandahan ng lugar sa ikalawang paglalakbay niya sa Roma. Bumili siya ng ilang ari-arian at nagtanim ng mga ubasan at taniman at itinuturing ang lugar na isang "espiritwal na tinubuang lupa", kaya pinili niya ito bilang lugar para sa kaniyang libing.[4]
Lipunan
Ebolusyong demograpiko
Historical populationTaon | Pop. | ±% |
---|
1880 | 160 | — |
---|
1910 | 219 | +36.9% |
---|
1921 | 200 | −8.7% |
---|
1931 | 204 | +2.0% |
---|
1936 | 193 | −5.4% |
---|
1951 | 225 | +16.6% |
---|
1961 | 210 | −6.7% |
---|
1971 | 242 | +15.2% |
---|
1981 | 272 | +12.4% |
---|
1991 | 304 | +11.8% |
---|
2001 | 318 | +4.6% |
---|
Mga sanggunian
Mga panlabas na link