Mula sa buntunan ng daigdig papunta sa buntunan ng buwan, ang pangkaraniwang layo ay 384,403. 3,474 km ang bantod ng buwan. Ika-anim ng hatak ng daigdig ang kabuuang batak ng buwan. Nakakalibot ang buwan sa daigdig sa loob ng 27.3 na araw, nguni't dahil sa pana-panahong pag-iiba sa kaayusan ng kaayusang araw-daigdig-buwan, ang nakikita na bilis ng paglibot ng buwan mula sa daigdig ay 29.5 na araw. Kung minsan, nag-tataman ang orbit ng buwan at ng araw, dahil dito, isang eklipse ang nabubuo.
Ang buwan, bukod sa daigdig, sa ngayon ay ang natatanging bagay sa santinakpan kung saan ang tao'y nakapaglakad na, sa kilalang mga pakay Apollo, na ang pinakakilala sa lahat ay ang Apollo 11.
Pangalan
Ang buwan ay tinatawag sa iba't ibang pangalan sa iba't ibang wika ng daigdig, hindi tulad ng ibang mga buntabay ng ibang mga buntala. Ang buwan ay minsan-minsan ring tinatawag na "Luna", hango mula sa wikang Latin.