Ang Bundok Baekdu o Paektu, na kilala ring Bundok Changbai sa Tsina, ay isang mala-bulkang kabundukan na nasa pagitan ng Tsina at Hilagang Korea. Sa taas na 2,744 metro, ito ang pinakamataas na bundok sa bulubundukin ng Changbai sa hilaga, at ng bulubundukin ng Baekdudaegan sa timog. Ito rin ang pinakamataas na bundok sa Korea at sa Manchuria.
Ang pangalang Koreano, ay Baekdu-san (백두산), na ang ibig sabihin ay bundok na maputing ulo. Bundok ng may walang hanggang kaputian naman ang ibig sabihin ng Golmin Šanggiyan Alin sa Manchu at ng Changbai Shan (長白山) sa Tsino.
Mga Kawing Panlabas
Talababa
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.