Ang katagang Britanya ay isang linggwistikong desendyente ng isa sa mga pinakamatandang pangalan para sa Kalakhang Britanya, isang pulo sa hilagang-kanluran mula sa baybayin ng Europa. Ang mga katagang "Briton" at "British" ay pareho ng pinagmulan, ngunit ito naman ay tumutukoy sa mga taong naninirahan dito, pati na sa mga mas maliit na mga pulong pumapaligid dito. "British Isles" ang pinakalumang ngalan sa mga kapuluang ito na tumagal sa paglipas ng panahon. Ang unang nakasulat na anyo nito ay ginawa ni Pytheas ng Massalia noong ikaapat ng siglo BKP. Ito ay mula sa mga grupo ng mga nagsasalita ng P-Seltiko, mga residente ng Kalakhang Britanya, ay maaring sa kanila nga nanggaling ang katagang "British"."