Ang tensiyong elektrikal o presyong elektrikal (o boltahe na mula sa kanyang yunit na SI, ang boltiyo o joules per coulomb) ay ang pagkakaiba ng elektrikong potensiyal sa pagitan ng dalawang punto ng isang elektrikal o elektronikong sirkito, sinusukat sa boltiyo.Ang diperensya na ito ay linilipat sa pagitan ng dalawang punto. Ang boltahe ay katumbas ng work na ginawa sa bawat yunit ng charge kontra sa isang hindi gumagalaw na field ng dagitab para mapagalaw ang charge sa pagitan ng dalawang punto. Ang boltahe ay pwedeng katawanin ang isang pinagmumulan ng dagitab(pwersa na electromotive), o nawala, nagamit, o nakaimabak na enerhiya (pagbagsak ng potensyal). Ang voltmeter ay maaaring gamitin para sukatin ang boltahe ( o potensyal na diperensya) sa pagitan ng dalawang punto sa isang sistema; madalas, isang batayan ang ginagamit para sa isa sa mga punto. Ang boltahe ay pwedeng dulot ng hindi gumagalaw na field ng dagitab, ng kuryente sa isang magnetic field, ng magnetic field na nagbabago dahil sa oras, o isang kombinasyon ng tatlo.[1] Ito ang sukat ng potensiyal para sa elektrikong kampo upang magdulot ng daloy ng kuryente sa isang elektrikal na konduktor. Katangian ng elektrikong kampo ang boltahe, hindi ang kanya-kanyang mga elektron. Bilang isang kahulugan, mas madaling isalarawan ang boltahe bilang ang isang kinatawan ng isang "tagapaghatid" ng mga elektron. Depende sa pagkakaiba ng elektrikal na potensiyal, tinatawag ito bilang labis na mababang boltahe, mababang boltahe, mataas na boltahe o labis na mataas na boltahe. Partikular, katumbas ng boltahe ang lakas bawat karga.[2]
Ang boltahe ay ang potensyal na enerhiya ng dagitab sa bawat isang yunit ng charge, na sinusukat sa pamamagitan ng joules per coulomb ( = volts). Ito ay madalas na tinatawag na “potensyal ng dagitab”, na kailangan na makilala ang kaibahan mula sa ptensyal na enerhiya ng dagitab sa paraan ng pagpansin na ang “potensyal” ay isang “per-unit-charge” na dami. Katulad ng potensyal na enerhiya na mechanical, ang zero ng potensyal ay pwedeng piliin sa kahit aling punto, para ang diperensya ng boltahe ay isang dami na may kabuluhang pisikal. Ang diperensya ng boltahe ay sinusukat tuwing gumagalaw mula sa A papunta sa B ay katumbas ng trabaho na kailangang gawin, sa bawat yunit ng charge, kontra sa isang field ng dagitab para mapagalaw ang charge mula A hanggang B. Ang boltahe sa pagitan ng dalawang dulo ng isang daan ay ang kabuuang enerhiya na kailangan para mapagalaw ang isang maliit na charge ng dagitab sa daanang iyon, na hinati sa laki ng charge. Sa sipnayan, ito ay nirerepresenta bilang line integral ng field ng dagitab at ang bilis ng pagbabago ng magnetic field sa path na iyon. Para sa karaniwang sitwasyon, ang hindi gumagalaw na field ng dagitab at ang electromagnetic field na nag-iiba dahil sa oras ay parehong kailangan sa pagtitiyak ng boltahe sa gitna ng dalawang punto.
Mga sanggunian
↑Sa wikang Ingles: "voltage", A Dictionary of Physics. Ed. John Daintith. Oxford University Press, 2000. Oxford Reference Online. Oxford University Press.
↑"To find the electric potential difference between two points A and B in an electric field, we move a test charge q0 from A to B, always keeping it in equilibrium, and we measure the work WAB that must be done by the agent moving the charge. The electric potential difference is defined from VB − VA = WAB/q0'"
("Upang mahanap ang pagkakaiba ng elektrikong potensiyal sa pagitan dalawang punto ng A at B sa elektrikong kampo, ililipat natin ang sinubok na karga q0 mula A hanggang B, palaging pinapanatili ito sa balanse, at sinusukat natin ang paggawa WAB na kailangang gawin sa pamamagitan ng ahenteng ginagalaw ang kara. Ang pagkakaiba ng elektrikong potensiyal ay binibigyan kahulugan mula sa VB − VA = WAB/q0") Halliday, D. at Resnick, R. (1974). Fundamentals of Physics. New York: John Wiley & Sons. p. 465.