Boleslav I

Boleslaus I, Duke ng Bohemia
Boleslaus I ang Malupit
(Mga) asawaBiagota
Mag-anak na maharlikaMga Přemyslid
AmaVratislaus I ng Bohemia
InaDrahomíra
Kapanganakanc. 915
Kamatayan967 o 972

Si Boleslaus I the Cruel, na tinatawag ding Boleslav I (Tseko: Boleslav I. Ukrutný) (c. 915 – 15 Hulyo 967 o 972), ay naging pinuno ng (kníže, literal na "prinsipe," subalit karaniwang isinasalinwika bilang "duke") ng Bohemia mula 935 hanggang sa kaniyang kamatayan. Siya ang anak na lalaki ni Vratislaus I at mas nakababatang kapatid na lalaki ni kaniyang sinundan sa hanay ng pamumuno na si Wenceslaus I.

Kilalang-kilala si Boleslav dahil sa pagpatay niya ng kaniyang kapatid na lalaking si Wenceslaus, at dahil sa kagagawan niyang ito kaya siya naging Duke ng Bohemia. Pinaslang si Wenceslaus habang nagaganap ang isang pagdiriwang; sa oras ding iyon ipinahayag na ipinanganak ang anak na lalaki ni Boleslav. Nakatangap siya ng isang pambihirang pangalan: Strachkvas, na nangangahulugang "isang nakapangingilabot na pagdiriwang". Bilang pagsisisi ng taos dahil sa kaniyang nagawa, nangako si Boleslav na iukol at ilaan ang kaniyang anak na lalaki sa relihiyon at pag-aralin ito bilang isang pari.


TalambuhayCzechoslovakia Ang lathalaing ito na tungkol sa Talambuhay at Czechoslovakia ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.