Beverly (k. noong dekada 1940; diniborsyo noong 1957) Elizabeth Sanders (1987-1998; sa kanyang kamatayan)
Si Robert Kane (ipinanganak Robert Kahn/kɑːn/; 24 Oktubre 1915 – 3 Nobyembre 1998) ay isang manunulat at tagaguhit ng komiks na nilikha kasama si Bill Finger, ang karakter na Batman ng DC Comics. Niluklok siya ng industriya ng komiks sa Jack Kirby Hall of Fame (Bulwagan ng Kabantuganan ni Jack Kirby) noong 1994 at sa Will Eisner Comic Book Hall of Fame (Bulwagan ng Kabantuganan sa Komiks ni Will Eisner) noong 1996.
Unang buhay at gawa
Ipinanganak si Robert Kahn sa Lungsod ng New York, New York.[1] Sina Augusta at Herman Kahn, isang mang-uukit, ang kanyang mga magulang,[2] na may lahing Hudyo na taga-Silanganing Europa.[3][4] Kaibigan niya sa mataas na paaralan ang kasamang mangguguhit ng kartun at ang hinaharap na lumikha kay Spirit na si Will Eisner.[5] Nagtapos si Robert Kahn sa Mataas na Paaralan ng DeWitt Clinton at pagkatapos, legal na pinalitan niya ang kanyang pangalan sa Robert Kane.[6] Nag-aral siya ng sining sa Cooper Union bago sumama sa istudiyo ni Max Fleischer bilang isang nagsasanay na tagaguhit noong 1934.[7]
Komiks
Pumasok siya sa larangan ng komiks pagkatapos ng dalawang taon, noong 1936, bilang isang malayang trabahador na gumagawa ng orihinal na materyal para sa patnugot na si Jerry Iger sa kanyang komiks na Wow, What A Magazine!, kabilang ang una niyang gawa sa lapis at tinta sa seryeng Hiram Hick.[8] Noong sumunod na taon, nagsimulang magtrabaho si Kane sa sumunod na istudiyo ni Iger na Eisner & Iger, na isa sa unang komiks na "nagpa-package" na lumilikha ng mga komiks sa pangangailangan para sa mga tagapaglathala na pumapasok sa bagong medyum sa panahon ng huling bahagi ng dekada 1930 at dekada 1940 ng Golden Age o Ginintuang Panahon ng Komiks. Isa sa mga gawa niya roon ay ang nakakatawang hayop na si "Peter Pupp" — na pinabulaanan ang itsura na may konotasyon ng "hiwaga at panganib"[8] — na nailathala sa magasin sa Reino Unido na Wags at muling nilathala ng Jumbo Comics. Nagtrabaho din si Kane sa Eisner & Iger para sa dalawa ng mga kompanyang na magsasanib sa kalaunan bilang DC Comics, kabilang ang tinanghal na katatawanan na "Ginger Snap" sa More Fun Comics, "Oscar the Gumshoe" para sa Detective Comics, at "Professor Doolittle" para sa Adventure Comics. Para sa huling titulo, nagpatuloy siya upang gawin unang istrip ng pakikipagsapalaran na "Rusty and his Pals."
Batman
Noong unang bahagi ng 1939, ang tagumpay na natamo ng DC sa superhero nitong si Superman sa Action Comics ay nag-udyok sa mga patnugot na mag-agawan para sa marami pang mga bayani o hero. Bilang tugon, inisip ni Kane ang "the Bat-Man."[9] Sinabi ni Kane na ang kanyang impluwensiya para sa paglikha ng karakter ay kinabibilangan ng pagganap sa pelikula ng artistang si Douglas Fairbanks na binigyan buhay ang taong mapangahas na si Zorro; ang banghay ni Leonardo da Vinci ng ornithopter, isang lumilipad ng makina na may malaking pakpak na parang paniki; at ang pelikula noong 1930 na The Bat Whispers, batay sa nobelang misteryo ni Mary Rinehart na The Circular Staircase (1908).[10]
Sumama si Bill Finger sa kabubukas pa lamang na istudiyo ni Bob Kane noong 1938. Isang naghahangad na manunulat at di-permanenteng tindero ng sapatos, nakilala niya si Kane sa isang piging, at sa kalunan, inalok siya ni Kane ng trabaho para maging lihim na tagapagsulat (o ghostwriter) para sa mga istrip na Rusty at Clip Carson.[11][12]