Best of Soul

Best of Soul
Pinakatanyag na tugtugin - BoA
InilabasPebrero 2, 2005
Isinaplaka2001-2004
UriPop
Haba70:11
WikaHapones
TatakAvex Trax
TagagawaLee Soo Man, Max Matsuura
Sensilyo mula sa Best of Soul
  1. "Quincy / Kono Yo no Shirushi"
    Inilabas: Setyembre 1, 2004
  2. "Meri Kuri"
    Inilabas: Disyembre 1, 2004
BoA kronolohiya
My Name
(2004)
Best of Soul
(2005)
Girls on Top
(2005)

Ang Best of Soul ay ang pangalawang kumpilasyong album sa wikang Hapones ng mang-aawit na si BoA na inilabas noong Pebrero 2, 2005 sa ilalim ng Avex Trax. Ito ang kanyang kauna-unahang kumpilasyong album na naglalaman ng kanyang mga awit sa Hapones, kabilang ang ilan mula sa mga album niya katulad ng Listen to My Heart, Valenti at Love & Honesty. Nilalaman din nito ang mga sensilyong , "Quincy / Kono Yo no Shirushi" and "Meri Kuri" para sa mismong album.

Inilabas sa dalawang bersyon ang album na ito; ang regular na bersyong CD at ang "perpektong" bersyon, na may kalakip na DVD na naglalaman ng ilang mga "music video" ni BoA.

Ang Best of Soul ang ikaapat na album ni BoA na nagtamo ng unang posisyon at sertipikadong milyon ng Recording Industry Association of Japan (RIAJ).[1]

Pangkalahatang Kabatiran

Inilabas ang Best of Soul halos isang taong nakalipas pagkatapos ng kanyang ikatlong estudyong album na Love & Honesty. Upang maipakilala ang album, naglabas si BoA ng dalawang sensilyo, ang "Quincy / Kono Yo no Shirushi" na nagsimula sa ikaapat na puwesto, at ang "Meri Kuri" na nasa ikalima sa Oricon na tsart pang-sensilyo.[2][3] Sa pagkakalabas ng Best of Soul, nanguna ito sa Oricon album sa pagkaka-benta ng 489,067 kopya sa unang lingo nito.[4] Pagkalipas ay naibenta ang album ng higit kumulang na 1,003,000 kopya noong Mayo 2005, na nagtalaga kay BoA bilang mang-aawit na Asyatikong di-Haponesa na mayroong dalawang album na naibenta ng higit na milyong mga kopya sa Hapon. Ang una niyang album na naibenta rin ng higit milyong kopya ay ang Valenti na inilabas dalawang taong nakalipas bago ang Best of Soul.[5]

Sa katapusan ng taon, naibenta ang Best of Soul na may kabuuang 1,060,039 kopya na nagtalaga rito na ikasiyam na pinaka-tanyag na naibentang album ng 2005.[6]

Talaan ng Trak

CD
Blg.PamagatHaba
1.""Listen to My Heart"" (Mula sa Listen to My Heart) 3:57
2."ID; Peace B" (Mula sa Listen to My Heart) 3:54
3."Amazing Kiss" (Mula sa Listen to My Heart) 4:34
4."Kimochi wa Tsutawaru (The Feeling Comes)" (Mula sa Listen to My Heart) 4:24
5."Every Heart: Minna no Kimochi (Everyone's Feelings)" (Mula sa Listen to My Heart) 4:33
6."Valenti" (Mula sa Valenti) 4:18
7."Kiseki" (Mula sa Valenti) 4:20
8."No.1" (Mula sa Valenti) 3:14
9."Jewel Song" (Mula sa Valenti) 5:27
10."Shine We Are!" (Mula sa Love & Honesty) 5:05
11."Double" (Mula sa Love & Honesty) 3:28
12."Rock with You" (Mula sa Love & Honesty) 4:15
13."Quincy" (Mula sa "Quincy / Kono Yo no Shirushi") 3:49
14."Kono yo no Shirushi (The Mark of Tonight)" (Mula sa "Quincy / Kono Yo no Shirushi") 3:47
15."Meri Kuri" (Mula sa "Meri Kuri") 5:34
16."La-la-la Love Song" (Cover of song by Toshinobu Kubota and Naomi Campbell)w/ Soul'd Out5:40
DVD
Blg.PamagatHaba
1."ID; Peace B" 
2."Amazing Kiss" 
3."Kimochi wa tsutawaru" 
4."Listen to My Heart" 
5."Every Heart: Minna no Kimochi" 
6."Valenti" 
7."Kiseki" 
8."Jewel Song" 
9."Shine We Are!" 
10."Double" 
11."Rock with You" 
12."Be the One" 
13."Quincy" 
14."Meri Kuri" 
15."The Love Bug" 
16."Making of Quincy" 
17."Making of Meri Kuri" 

Mga Tsart at Benta

Pagkakalabas Tsart Posisyon Unang Linggong Benta Kabuuan ng Benta Takbo ng Tsart
Pebrero 2, 2005 Oricon Daily Chart 1
Oricon Weekly Chart 1 489,067 1,060,039 70
Oricon Yearly Chart 9

Mga Sensilyo

Pamagat Posisyon
Quincy / Kono Yo no Shirushi 4
Meri Kuri 5

Sanggunian

  1. "Best of Soul's certification" (sa wikang Hapones). Recording Industry Association of Japan. Nakuha noong 2009-04-28.
  2. "Quincy / Kono yo no Shirushi Oricon page" (sa wikang Hapones). Oricon. Nakuha noong 2009-04-28.
  3. "Meri Kuri Oricon page" (sa wikang Hapones). Oricon. Nakuha noong 2009-04-28.
  4. "Best of Soul's rank and sales" (sa wikang Hapones). Oricon. Nakuha noong 2009-04-28.
  5. "BoA、ベスト盤が100万枚を突破!" (sa wikang Hapones). Oricon. Nakuha noong 2009-04-28.
  6. Note: Paki-pindot ctrl+A upang makita ang tala 2005年 年間アルバムチャート (sa wikang Hapones). Oricon. 2005-12-19. Inarkibo mula sa orihinal noong 2005-12-24. Nakuha noong 2009-04-28.