Ang being (bigkas: /bi-ying/ o /bi-ing/) ay isang napakalawak na konsepto na sumasakop sa mga katangiang pansarili at di pansarili ng realidad at pag-iral. Ang mga bagay na nakibabahagi sa isang “being” ay isa ring “being”, kahit na ang diwa nito ay limitado sa mga bagay na ukol sa mga bagay na may kasamang opinyon. (na maihahalintulad sa “Human Being”). Kung gayon, ang malawak na konseptong ito ay naging mailap at kontrobersyal sa kasaysayan ng pilosopiya, na nagsimula sa pilosopiya ng mga kanluranin na nagtangka mula sa mga mga pilosopong nabuhay bago si Socrates, na linawin at palawakin ito.
Bilang halimbawa ng mga pagtatangkang malinawan ito, si Martin Heidegger (na nag aral mismo ng mga sinaunang kasulatan ng mga Griyego) ay gumamit ng mga salitang Aleman, kagaya ng Dasein upang maipahayag nang maayos ang paksa. Marami rin ang sumubok na bigyang kahulugan ang konsepto nito, kagaya ni Heidegger, at ginamit ang mga resultang matapisikal, sa pag aaral ng sikolohiya at sa kabuuan, ang kalagayan ng tao (na nasa tradisyon ng mga existentialist).
Sa uri naman ng ginagamit na pilosopiyang pang analisasyon, ang paksa ay mas limitado sa abstrak na imbestigasyon, na nasa mga ambag ng mga maipluwensiyang teoriko, kagaya ni W.V.O. Quine. Isa sa mga mga pinakamahalagang tanong na patuloy sa paglinang sa mga kaisipan ng mga pilosopo ay ang mga sinabi ni William James. “Paanong nangyaring ang mundo ay naririto, sa halip na wala na maaring maisip rito? Mula sa wala hanggang sa pag-iral nito, ay walang lohikal na koneksyon."
Ang being ay isang salitang Ingles na maaaring tumukoy sa:
Mga sanggunian
Orihinal na Salin mula sa Wikipedia, the free Encyclopedia, https://en.wikipedia.org/wiki/Being