Ang Beijing Institute of Technology (pinapaikli bilang BIT; Simplified Chinese: 北京理工大学; Traditional Chinese: 北京理工大學; pinyin: Běijīng Lǐgōng Dàxué) ay isang pampublikong unibersidad na matatagpuan sa Beijing, Tsina, itinatag noong 1940, sa Yan'an. Ito ay isang pangunahing unibersidad sa pananaliksik sa ilalim ng pangangasiwa ng Ministri ng Industriya at Teknolohiyang Pang-impormasyon.
Ang BIT ay isang Class A Double First Class University ayon sa Ministri ng Edukasyon.[1] Bilang isang miyembro ng Project 985 at Project 211, ito ay binibigyan ng prayoridad na isponsor mula sa pamahalaang Tsino.