Ang Basilika Menor ng San Miguel Arkanghel o pangkaraniwang tinutukoy na Simbahan ng Tayabas ay ang pinakamalaking simbahang Katoliko sa lalawigan ng Quezon sa Pilipinas na matatagpuan sa Lungsod Tayabas. Tanyag ito sa mala-susi nitong hugis.
Kasaysayan
Gaya ng karamihan sa mga simbahan sa Pilipinas noong panahong ng Espanyol, ang unang simbahan ng Tayabas ay yari sa mga materyal na madaling makuha sa paligid gaya ng kawayan at anahaw. Noong 1585, ipinatayo ng mga Franciscanong prayle ang simbahan sa ilalim ng patronato ni San Miguel Arkanghel, makalipas ang limang taon, ipinaayos ito muli ni San Juan Bautista. Isang simbahang yari sa tisa ang itinayo noong 1600 ngunit nasira ng lindol noong 1743.[1]
Pinalakihan na ang simbahan nang ito'y ipatayo muli noong mga sumunod na taon matapos gibain ng lindol. Higit pa itong pinalalkihan noong 1856 nang ipinagawa ang transepto at kupola. Pinalitan ang tisa nitong bubong ng galbanisadong yero noong 1894. Kinilala ang simbahan bilang isang "Pambansang Palatandaang Makasaysayan" ng Pambansang Suriang Pangkasaysayan ng Pilipinas noong 1978.