Ang Basilika ng Sant 'Apollinare sa Classe ("San Apolinario sa Classe") ay isang simbahan sa Ravenna, Italya, na pinasinayaan noong 9 Mayo 549 ng obispo na si Maximian at inialay kay San Apollinaris, ang unang obispo ng Ravenna at Classe. Isang mahalagang bantayog ng Bisantinong sining, noong 1996 ay isinama ito sa pitong iba pang kalapit na monumento sa Pandaigdigang Pamanang Talaan ng UNESCO, na inilarawan ito bilang "isang natitirang halimbawa ng maagang Kristiyanong basilika sa kaniyang kadalisayan at pagiging simple ng disenyo at paggamit ng espasyo at sa masaganang katangian ng palamuti nito".