Ang Bandung Institute of Technology (Indones: Institut Teknologi Bandung
, dinadaglat na bilang ITB) ay isang pampubliko at koedukasyonal na unibersidad sa pananaliksik na matatagpuan sa Bandung, Indonesia. Itinatag noong 1920, ITB ay ang pinakamatandang pamantasang oryentado sa teknolohiya sa Indonesia.
Ang ITB ay itinuturing na nangungunang pagpipilian ng mga mag-aaral ng haiskul sa Indonesia noong 2006 at kinikilala bilang isa sa pinakaprestihiyosong unibersidad sa Indonesia, kasama ng Pamantasang Gadjah Mada at Unibersidad ng Indonesia.[1][2] Si Sukarno, ang unang pangulo ng Republika ng Indonesia, ay merong digri sa enhinyeriyang sibil mula sa ITB. Si B. J. Habibie, ang ikatlong pangulo ng Indonesia, ay gumugol ng isang taon sa departamento ng enhinyeriyang mekanikal ng ITB at ay opisyal na kinikilala bilang isang gradweyt.