Ang Banaras Hindu University (Hindi: [kaʃi Hindu viʃvəvid̪yaləy], BHU), dating Central Hindu College, ay isang pampublikong unibersidad na matatagpuan sa Varanasi, Uttar Pradesh, India. Ito ay itinatag noong 1916 nina Madan Mohan Malaviya at Annie Besant. Mayroon itong higit sa 30,000 mag-aaral na naninirahan sa kampus. Inaangkin nito ang titulo ng pinakamalaking pamantasang residensyal sa Asya.