Ang Super Bagyong Bising, kilala rin sa pangalang internasyonal nito na Surigae, Ay ang ikalawang bagyong pumasok sa Philippine Area of Responsibility ng Pilipinas at ang ikalawang bagyo sa pasipiko ngayong 2021, Ito ay pumasok sa PAR ng Pilipinas, 6am ng umaga.
Matapos itong mabigyan ng pangalan, naglabas na ng mga babala at abiso ang mga otoridad sa isla ng "Yap" sa Mikronesya, gayundin din sa mga estado ng Koror at "Kayangel" sa Palau.[1] Kalaunan, naglabas na rin ng mga babala at abiso sa bagyo sa karang ng "Ngulu" sa Mikronesya.[2] Aabot sa 30 kilometro kada oras ang bilis ng hangin na naitala sa Yap sa araw ding iyon habang dumadaan ang bagyo mula timog-kanluran.[3]
Kasaysayan ng Meteorolohikal
Ang Super Bagyong Bising o Surigae ay ang ikalawang bagyo sa loob ng Pangasiwaan ng Pilipinas sa Serbisyong Atmosperiko, Heopisiko, at Astronomiko (PAGASA) Ito ay inasahang na recurve sa Karagatang Pasipiko, Abril 17 nang ito'y namataan sa bahagi ng Dagat Pilipinas noong Abril 14 sa kinapwestohan nito, habang ang kategorya nito ay nagmula sa 1 at umabot sa 5, habang papalapit sa Bicol (V) na naka antas sa kategoryang 4 ang nasa East Coast ng Pilipinas sa rehiyon ng Rehiyon ng Bicol at Silangang Kabisayaan ay nag babala ang NDRRMC at PAGASA na abisohan ang mga mamayan na malapit sa dalampasigan, Nagtaas ng Storm Signals 1 hanggang 2 sa mga nasabing rehiyon na mahahagip ng rain bunds ng "bagyo.
Si Bising ay kumikilos sa direksyong kanluran, hilagang kanluran sa bilis na 100 kilometro bawat oras, habang tinutumbok sa direksyong rehiyon ng Lambak ng Cagayan na nasa Kategoryang 3 hanggang 4, ito ay nag recurve sa direksyon papuntang hilagang silangan, habang tinutumbok ang direksyon sa Japan.