Pangingisda ang pangunahing ikinabubuhay ng mga tao sa rehiyon sa mga unang taon nito.
Heograpiya
Ang mga estado ng New England ay may pinagsamang lawak na 71,991.8 milya kuwadrado (186,458 km2), mas-malaki nang bahagya sa estado ng Washington at mas-malaki sa Inglatera.[8][9] Ang mismong Maine ay bumubuo sa halos kalahati ng kabuuang lawak ng New England, subalit ito ang pantatlumpu't-siyam (39th) na pinakamalaking estado, mas-maliit nang bahagya sa Indiana. Ang mga ibang estado ay kabilang sa mga pinakamaliit na estado sa Estados Unidos, kasama na ang Rhode Island na pinakamaliit na estado sa bansa.
Noong ika-20 dantaon, ang paglawak ng urbano sa mga rehiyon na lumilibot ng Lungsod ng New York ay naging mahalagang impluwensiya ng ekonomiya sa kalapit na Connecticut, kung saan kabilang ang mga bahagi nito sa New York Metropolitan Area. Ibinukod ng U.S. Census Bureau ang mga kondado ng Fairfield, New Haven at Litchfield sa kanlurang Connecticut kasama ang Lungsod ng New York, at mga ibang bahagi ng New York at New Jersey bilang isang combined statistical area.[12]
↑"New England". Microsoft Encarta Online Encyclopedia 2003. "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2003-11-01. Nakuha noong 2017-05-24.{{cite web}}: CS1 maint: archived copy as title (link)
↑"Part 1: Population and Housing Unit Counts"(PDF). 2000 Census of Population and Housing – United States Summary: 2000. United States Census Bureau. Abril 2004. Nakuha noong 4 Abril 2016.