Aurora (pelikula)

Aurora
DirektorYam Laranas
Sumulat
  • Yam Laranas
  • Gin de Mesa
Itinatampok sina
Produksiyon
Tagapamahagi
  • Viva Films
Inilabas noong
25 Disyembre 2018
BansaPilipinas
WikaPilipino
Badyet₱107 milyon
Kita₱3 milyon

Ang Aurora ay isang pelikang Pilipino, pang-horror 2018 MMFF (Metro Manila Film Festival) na inilathala ni Yam Laranas at pinag-bibidahan ni Anne Curtis, ito ay handong ng Aluid Entertainment at Viva Films, Ang pelikulang ito ay intinakda sa petsa sa Araw ng Pasko; 25 Disyembre 2018 sa mga sinehan at ito ay pasok sa "2018 Metro Manila Film Festival".

Buod

Sinsundan ng istorya si Leana (Curtis) na mapayapang nakatira sa pulo kasama ang kanyang nakakabatang kapatid na babae na si Rita. Nagbago ang lahat nang bumangga ang isang barkong may pangalang Aurora malapit sa kanila. May kakayahan si Rita na makakita ng mga patay, subalit sa bawat pagkakataon na nakikita niya sila, nagaganap ang nakakapinsalang pangyayari. Kailangang iprotekta ni Leana ang batang babae kahit anumang mangyari bago mahuli ang lahat.[1] Bahagiang naging inspirasyon ng pelikula ang paglubog ng MV Doña Paz sa Pilipinas.

Mga tauhan

  • Anne Curtis bilang Leana
  • Marco Gumabao bilang Ricky
  • Mercedes Cabral bilang Delia
  • Allan Paule bilang Eddie
  • Andrea Del Rosario bilang Celine
  • Phoebe Villamor bilang Rita
  • Arnold Reyes bilang Philip
  • Ricardo Cepeda bilang Coast Guard
  • Ruby Ruiz bilang Mrs. Castro
  • Sue Prado bilang Mrs. Amado

Mga sanggunian

  1. Arsua, Koji (Agosto 24, 2018). "Anne Curtis to star in the horror movie "Aurora"". When in Manila (sa wikang Ingles). Nakuha noong Agosto 25, 2018.