Si Ashur-uballit I (Aššur-uballiṭ I) ay hari ng Gitnang Imperyong Asirya na naghari noong 1363 BCE hanggang c. 1328 BCE. Pagkatapos baliin ng kanyang amang si Eriba-Adad I ang impluwensiya ng Kahariang Mitanni sa Asirya, tinalo ni Ashur-uballit I ang haringn Mitanni na si Shuttarna III na pasimula pag-akyat ng kapangyarihan ng Asirya laban sa Kahariang Hurri-Mitanni. Dahil sa kaguluhan sa Babilonya kasunod ng kamatayan ng haring Kassite na si Burnaburiash II, inilagay ni Ashur-uballit I si Kurigalzu II sa trono ng Babilonya na una sa naging sunod sunod na mga panghihimasok ng Asirya sa Babilonya.
Mga sanggunian