Arthur Wellesley, 2nd Duke of Wellington, Lord Charles Wellesley
Magulang
Garret Wesley, 1st Earl of Mornington
Anne Wellesley, Countess of Mornington
Pamilya
Lady Anne Culling Smith, William Wellesley-Pole, 3rd Earl of Mornington, Henry Wellesley, 1st Baron Cowley, Richard Wellesley, 1st Marquess Wellesley, Gerald Valerian Wellesley
Isinilang si Wellesley sa Dublin, Irlanda sa kaparehong taon nang isilang din si Napoleon Bonaparte. Si Bonaparte ang pinakamagiting na kalaban ni Wellesley noong kanilang kapanahunan. Nag-aral sa Kolehiyo ng Eton sa Inglatera, at naging opisyal sa hukbo ng Britanya noong 1787. Nagsilbi rin siya sa Parlamento ng Inglatera. Ginawa siyang isang Duke ng Wellington ni Haring George III, at dahil sa kaniyang mga katangiang - katulad ng katapangan, pagkamahigpit at pagkakaroon ng paninindigan - siya ay tinagurian bilang Bakal na Duke (o Iron Duke). Nanungkulan siya bilang punong ministro mula 1828 hanggang 1830.[1]