Ang Ariwanas[6], na tinatawag ding Balatas[6], (Ingles: Milky Way[6], lit. Daang Malagatas, o Daang Magatas) ay isa sa 170 bilyon (1.7 × 1011) na mga galaksiya sa mapagmamasdang uniberso[7][8] na naglalaman ng Sistemang Solar na sistemang kinalalagyan ng mundo(earth) at iba pang mga planeta. Ito ay tinatayang naglalaman ng mahigit 200 bilyong mga bituin[9] at posibleng hanggang 400 bilyong mga bituin.[10] Ang araw ang isa sa mga bituin sa galaksiyang Ariwanas.
Hango ang katawagan nito sa Ingles mula sa katumbas na taguri dito sa Latin - Via Lactea (o Magatas na Daan)[11] - na hinango naman din mula sa Galaxias (Γαλαξίας) ng Griyego.[12]
↑Gott III, J. R.; et al. (2005). "A Map of the Universe". Astrophysical Journal 624 (2): 463–484. arXiv:astro-ph/0310571. Bibcode 2005ApJ...624..463G. doi:10.1086/428890
↑Frommert, H.; Kronberg, C. (August 25, 2005). "The Milky Way Galaxy". SEDS. Inarkibo mula sa orihinal noong 2011-09-03. Nakuha noong 2007-05-09.{{cite web}}: CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)
↑Literal na salin ng Via Lactea, daan na parang binuhusan ng gatas sapagkat marami nga o may pulutong ng mga bituin.