Ang Arc de Triomphe (tinatayang bigkas: AK-de-twi-yomf;[3] Pranses ng "Arko ng Tagumpay") ay isa sa mga pinakabantog na monumento sa Paris. Ito ay nakatayo sa gitna ng Liwasa ng Charles de Gaulle (na dating tinatawag na Place de l'Étoile; bigkas: PLAZ-de-lit-wal; "Liwasa ng Bituwin"), sa kanlurang dulo ng Champs-Élysées.[4] May mas maliit na arko, ang Arc de Triomphe de Carrousel, na matatagpuan sa bandang kanluran ng Louvre. Ang Arc de Triomphe ay nagbibigay-karangalan sa lumaban at namatay sa Pransiya noong Himagsikang Pranses at sa Mga Digmaang Napolyoniko, at ang mga pangalan ng mga nanalo at mga heneral doon ay nakaukit sa loob at labas na bahagi ng mga haligi nito. Sa ilalim nito nakahimlay ang Tomb of the Unknown Soldier o Libingan ng Hindi Kilalang Tenatera mula sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
Tignan din
Mga Kawing Panlabas
Mga sanggunian
Ang lathalaing ito na tungkol sa Pransiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.
|
---|
International | |
---|
National | |
---|
Geographic | |
---|
Other | |
---|