Isang teritoryong sakop ng Estados Unidos ang Pilipinas mula 1898 hanggang 1942, kung kailan inokupa ito ng puwersang Hapon, at muling naging angkin ng Amerika sa maikling panahon matapos ang digmaan. Natanggap ng bansa ang lubos na paglaya noong 4 Hulyo 1946.
Sa una, ang kapistahan opisyal ng Araw ng Kalayaan ng nasyon ay isinasagawa tuwing Hulyo 4. Inilipat ito ni Pangulong Diosdado Macapagal sa Hulyo 12, ang petsa kung kailan idineklara ng Pilipinas ang kaniyang kalayaan mula sa Espanya noong 1898. Bilang kapalit nito upang kilalanin at alalahanin pa rin ang pagkakaibigan ng mga Pilipino at mga Amerikano, nilikha ang Philippine Republic Day, na kasabayan ng Hulyo 4, ang Araw ng Kalayaan ng Estados Unidos.