Araw ng Bastille |
---|
Ibang tawag | Pambansang Araw ng Pransiya (Fête nationale) Ang ikalabing-apat ng Hulyo (Quatorze juillet) |
---|
Ipinagdiriwang ng | Pransiya |
---|
Uri | Pambansang pagdiriwang |
---|
Kahalagahan | Ginugunita ang simula ng Himagsikang Pranses nang lusubin ang Bastille noong 14 Hulyo 1789,[1][2] at ang pagkakaisa ng mamamayang Pranses sa Fête de la Fédération noong 14 Hulyo 1790. |
---|
Mga pagdiriwang | Paradang militar, paputok, pagtatanghal, baile |
---|
Petsa | 14 Hulyo |
---|
Dalas | taunan |
---|
Ang Araw ng Bastille (pagbigkas: / bas·tíl /) ay ang pagtukoy ng mga bansang nagsasalita ng Ingles sa Pambansang Araw ng Pransiya. Sa Pransiya, pormal itong tinatawag na La Fête nationale (Ang Pambansang Pagdiriwang) at karaniwang Le quatorze juillet (Ikalabing-apat ng Hulyo).
Ang Pambansang Araw ng Pransiya ay gumugunita sa simula ng Himagsikang Pranses sa paglusob ng Bastille noong 14 Hulyo 1789,[1][2] pati na rin ng Fête de la Fédération na ipinagdiriwang ang pagkakaisa ng sambayanang Pranses noong 14 Hulyo 1790. Idinaraos ang pagdiriwang sa buong Pransiya. Ang pinakamatanda at pinakamalaking regular na paradang militar sa Europa ay itinatanghal sa umaga ng 14 Hulyo, sa Champs-Élysées sa Paris sa harap ng Pangulo ng Republika, mga opisyal ng bansa at mga dayuhang panauhin.[3][4]
Mga sanggunian