Si Angelina "Helen" de Luna Tan, (ipinanganak na Angelina Beredo de Luna) ay isang Pilipina na manggagamot at politiko na kasalukuyang gobernador ng Quezon. Dati siyang nagsilbi bilang tatlong beses na kinatawan ng Ikaapat na distrito ng Quezon mula 2013 hanggang 2022. Nahalal siya noong 2022 bilang bagong gobernador ng Quezon, na naging unang babaeng humawak sa katungkulan.[1]
Bilang kongresista
Bilang kongresista, responsable si Tan sa pagtaguyod ng House Bill 121. Sinasabi ng House Bill na ito na lahat ng mga guro na nanilbihan nang mahigit dalawang taon ay magkakaroon ng scholarship grant sa mga estadong unibersidad.[2] Maliban dito, ayon kay Tan, nakapagtaguyod siya ng 115 House Bill kung saan 37 ang kanyang pinag-akdaan. Kabilang dito ang Universal Healthcare Act, Batas para sa may Tuberculosis, at Doktor Para sa Bayan Act.[3]
Sa ilalim ng administrasyong Duterte, nadamay si Tan sa mga alegasyong kurapsyon na may kaugnayan sa proyektong imprastraktura.[4] Kilala rin si Tan bilang isang kritiko laban sa administrasyong Duterte kaugnay sa paghahawak ng gobyerno noong panahon ng pandemya sa Pilipinas.[5] Bilang chairperson ng Komite ng Kongreso sa Kalusugan, si Tan ay nagsagawa ng House Bill para magdagdag pondo ng 1 bilyong piso para makatulong laban sa paglaganap ng COVID-19.[6]
Noong Marso 2021, si Tan ang kauna-unahang mambabatas na naturukan ng legal na unang dosage ng Sinovac vaccine.[7]