Si Angela Manalang Gloria ay tubong Guagua, Pampanga subalit lumaki na sa Bicol na siyang pinanirahan ng kanyang mga magulang mula noong taong 1914. Sa gulang na labing-isang taon ay nabasa na niya ang lahat ng aklat na local sa aklatan ng Legaspi, Albay. Nag-aral siya sa Saint Agnes Academy sa Legaspi at nagpatuloy ng pag-aaral sa Saint Scholastica's College sa Maynila. Sa gulang na labing-anim nakapaglathala na
siya ng kanyang mga tula sa Women's Outlook.
Naimpluwensiyahan siya ng kanyang guro sa Ingles, si C. V. Wickers na siyang gumabay sa kanyang pagsusulat ng mga tula.
Nakilala siya sa pagiging makata sa kolehiyo nang magwagi siya sa Literary Contest at malathala ang kanyang tula sa Sunday Tribune, Philippine Collegian at Herald Mid-week Magazine.
Lalo siyang nakilala sa larangan ng panulaan noong panahon ng Komonwelt dahil sa kanyang mga tulang liriko. Naipalimbag
ang isang katipunan ng kanyang mga aklat ng tula noong 1940 at dahil sa kagandahan nito ay muling naipalimbag noong 1950.
Ang karamihan sa kanyang mga tula ay lumabas sa The Philippine Herald at The Philippine Magazine.
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.