Angel cat sugar

Angel Cat Sugar ay ang pangalan ng isang karakter na nilkha ni Yuko Shimizu noong 2002.[1] Siya ay isang babaeng puting kuting na may korona sa kanyang ulo at mga pakpak sa kanyang likod. Siya ang tinaguriang prinsesa sa Mundo ng mga Anghel.[2] Ang mga produktong tulad ng manika, lunch box, tuwalya at mga libro ay naglalarawan sa kanyang karakter.[3]

Characters

Ang Kanyang Pamilya

  • Angel Cat Sugar: : (ipinanganak ng Mayo 17) Tinatawag na "Sugar" o "Sugar-Chan" sa wikang Hapon, siya ay ang prinsesa ng Angel World. Siya ay inilalarawan bilang isang puting kuting suot ang isang korona at pagkakaroon ng pakpak ng anghel. Siya ay may kapangyarihan upang pagalingin ang puso ng iba at magbigay kasiyahan sa lahat.
  • Fennel: Ama ni Angel Cat Sugar. Isang beterinaryo (doktor ng mga hayop).
  • Mint: Ina ni Angel Cat Sugar. Isang nars.

Mga Kaibigan

  • Basil : Isang babaeng anghel na kilos lalake. Mahilig sa mga lumalagong mga bulaklak. Kulay rosas ang kanyang suot.
  • Thyme: Isang lalaking anghel. Masayahin ngunit may pagkamahiyain. Kulay lila ang kanyang suot.
  • Parsley: Isang matalinong anghel. May pagka maselan kung minsan. Kulay berde ang kanyang suot.

Mga Aklat

Nagkaroon ng mga ilang aklat na inilabas sa ilalim ng “Angel Cat Sugar franchise”. Nagkaroon ng apat na mga aklat na inilabas sa Japan sa pamamagitan ng Yanagihara Publishing na isinulat at isinalarawan ni Shimizu. Sa Estados Unidos ang serye ay nailathala sa pamamagitan ng Scholastic Inc at binuo ng labing-isang mga pamagat.[4]

Mga Pamagat sa Wikang Hapon

  • Bashful Sugar (June, 2005)
  • Sugar and the Precious Eggs (December, 2005)
  • Sugar and the Little Squirrel (July, 2006)
  • Sugar and the Winter Gift (December, 2006)

Mga Pamagat sa Wikang Ingles

  • A New Friend
  • A Special Easter
  • A Wish for a Wand
  • Birthday Party Surprise
  • Merry Christmas, Sugar!
  • Spring Picnic
  • Star of the Ballet
  • Sugar Loves Valentine’s Day
  • Sugar’s Yummy Fall
  • Sweet School Day
  • Tea Party

Mga Laro

Noong Oktubre 2009 isang laro ang inilunsad para sa Nintendo DS at Personal computer (PC) na may pamagat na “Angel Cat Sugar in the UK and Germany at “Angel Cat Sugar och stormkungen in Sweden”.[5][6] Ang laro ay may kasamang mini-games at puzzles na nakalaan para sa mga kabataan.[7]

Mga Sanggunian

  1. "Internoventi affida a Liabel la distribuzione italiana dei marchi Pixie e Angel Cat Sugar". Moda Online. Inarkibo mula sa orihinal noong 29 Hulyo 2014. Nakuha noong 4 April 2013.
  2. Blueprint, Issues 286–289. Wordsearch Limited. 2010.
  3. "Review: Angel Cat Sugar". Nintendo Online (German). Nakuha noong 4 April 2013.
  4. "Scholastic Is Sweet on Angel Cat". Publishers Weekly. Nakuha noong 5 April 2013.
  5. "Angel Cat Sugar och stormkungen". Corren. Inarkibo mula sa orihinal noong 19 Enero 2022. Nakuha noong 4 April 2013.
  6. "Angel Cat Sugar Nintendo DS Recensione". SuperEva.it. Inarkibo mula sa orihinal noong 8 Disyembre 2015. Nakuha noong 4 April 2013.
  7. "Angel Cat Sugar". MCVUK. Nakuha noong 5 April 2013.