Si Angel Locsin (ipinanganak bilang Angelica Locsin Colmenares noong 23 Abril 1985) ay isang artistang Pilipino. Gumanap siya bilang Darna ng GMA Network. Nagtambal sila ni Richard Gutierrez sa pelikulang Let The Love Begin.
Personal na buhay
Ipinanganak si Angel Locsin bilang Angelica Colmenares noong Abril 23, 1985.[1][2] Ang kanyang ama ay si Angelo Colmenares.[3]
Ikinasal sina Angel Locsin at Neil Arce noong 2021.[4][5]
Adbokasiya
Tumutulong si Angel Locsin sa Philippine Red Cross sa mga relief operations at pagpapakete ng mga relief goods simula pa noong 2009 noong nanalasa ang Bagyong Ondoy. Siya din ay aktibong tagapagtaguyod ng pagbibigay ng dugo bilang donasyon. Siya mismong ay nagbibigay na ng sapat na dami ng dugo para tawagin siyang isang Blood Galloner.[6]
Noong kanyang kaarawan noong Abril 23, 2021 ay nagbukas ng sariling community pantry si Angel Locsin na katulad ng isang mini-grocery para higit na marami ang mailagay at mas maraming tao ang matulungan.[7]
Ang inisyatibang "Unitent We Stand PH" ni Angel Locsin noong 2020 ay nakakalap ng P11.35 milyon, nakapagtayo ng 246 na mga tent at nakatulong sa 135 na mga ospital. Bukod sa mga tent ay nakapagbigay ito ng mga PPE at iba pang mga pangangailangan ng mga pasyente at ng mga frontliners upang matugunan ang hamon sa pagsisikip sa mga ospital, at upang makatulong sa pagbawas ng pagtaas ng pagkalat ng virus sa mga ospital.[8]
Nagbahagi din ng pagkain si Angel Locsin sa Philippine Coast Guard Task Force Laban COVID-19 habang ang mga ito ay nagpapatrolya sa Lungsod ng Taguig noong 2020.[9]
Noong 2020 ay nag-usap sina Angel Locsin at ang hepe ng Timog Luzon Command ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas na si Tenyente Heneral Antonio Parlade Jr. ukol sa pagred-tag kay Locsin. Malinaw na tinutuligsa ni Angel Locsin ang anumang anyo ng karahasan at terorismo. Sinusuportahan din niya ang lahat ng pagsisikap ng pamahalaan upang mapanatili ang kaligtasan at protektahan ang mga mamamayan nito. Sinabi ni Tenyente Heneral Antonio Parlade Jr. na pinahahalagahan niya ang kontribusyon ni Angel Locsin sa Sandatahang Lakas ng Pilipinas at ang patuloy nitong adbokasiya na tumulong sa mga mahihirap.[10]
Parangal na natanggap
Ginawaran si Angel Locsin ng Spirit of Philanthropy Award mula sa Philippine Red Cross noong 2021.[11]
Noong 2020 ay kasama si Angel Locsin sa “Leaders of Tomorrow” na listahan ng Gen T ng Tatler Asia dahil sa walang sawa nitong mga gawaing mapagkawanggawa sa larangan ng edukasyon at edukasyon, pati na rin tungkol sa karahasan sa tahanan.[12]
Noong 2019 ay isa si Angel Locsin sa tatlumpu na “Altruists In The Asia Pacific Region” ng Forbes para sa pagsuporta nito sa mga gawain na tumutulong sa mga biktima ng karahasan, natural na sakuna at kaguluhan sa Mindanao.[13]
Kinilala bilang Best Actress si Angel Locsin ng Gawad Tanglaw (Gawad Tagapuring mga Akademisyan ng Aninong Gumagalaw) para sa telebisyon noong 2015 para sa kanyang pagganap sa "The Legal Wife" at noong 2020 sa kanyang pagganap sa "The General's Daughter".[14][15]
Multimedia Award sa Ani ng Dangal Asian Star Entertainment Global Excellence Award para sa Pinakanamumukod-tanging Aktres Natatanging Medalyang Papuri para sa Nominasyon ng Pinakamahusay na Aktres sa Emmy Awards Nanomina—International Emmy Award para sa Pinakamahusay na Pagganap ng isang Aktres[16] Nanomina—Star Award para sa Telebisyon para sa Pinakamahusay na Aktres sa Drama
2009
Only You
Jillian Mendoza
Nanomina—Star Award para sa Telebisyon para sa Pinakamahusay na Aktres sa Drama
Maalaala Mo Kaya
Nemie
Episodyo: "Blusa" Philippine Psychiatric Association SiSA Award para sa Namumukod-tanging Aktres sa isang Dramang Pagganap
Nanomina—Golden Screen Award para sa Namumukod-tanging Pagganap ng isang Aktres sa isang Seryeng Drama Nanomina—Star Award para sa telebisyon para Pinakamahusay na Aktres ng Drama
Maalaala Mo Kaya
Jenna
Episodyo: "Litrato" Nanomina—Star Award para sa Telebisyon para sa Pinakamahusay na Nag-iisang Pagganap ng isang Aktres
Nanomina—Golden Screen Award para sa Namumukod-tanging Pagganap ng isang Aktres sa isang Programang Gag o Komedya Nanomina—Star Award para sa Telebisyon para sa Pinakamahusay na Aktres ng Komedya (2012) Nanomina—Star Award para sa Telebisyon para sa Pinakamahusay na Aktres ng Komedya (2013)
Pinkamahusay na Aktres ng Drama ng EdukCircle Pinkamahusay na Aktres sa Ika-4 na OFW Gawad Parangal Pinkamahusay na Aktres sa ika-13 Gawad Tanglaw para sa Telebisyon Pinkamahusay na Aktres sa Ikalawang Paragala Pinkamahusay na Aktres sa Northwest Samar State University Visionary Awards Nanomina—Star Award para sa Telebisyon para sa Pinakamahusay na Aktres ng Drama Nanomina—Pinkamahusay na Aktres sa KBP Golden Dove Awards