Ang sulat sa dingding ay isang ekspresyong ng parating na sakuna na hinango mula sa Aklat ni Daniel at binigyan ng interpretasyon ng tauhang si Daniel (ng Bibliya). Nagmula ito sa Arameong מנא ,מנא, תקל, ופרסין, Mene, mene, tekel, vfarsin ng Aklat ni Daniel, ang ang ibig sabihin ay "Tinimbang ka ngunit kulang."
Konteksto at kahulugan ng sulat sa dingding Daniel Kapitulo 5
Nang ang anak ni Nabucodonosor II na si Belshazzhar ayon sa Aklat ni Daniel ay ang hari, Daniel 5:1-2(ito ay mali dahil sa kasaysayan, si Belshazzhar ay anak ni Nabonidus at hindi ni Nabucodonosor II at hindi kailanman naging hari ng Babilonya) ay gumamit ng mga sisidlan mula sa Templo ni Solomon para sa kanyang pista, ang isang kamay ay lumitaw at sumulat ng isang misteryosong tanda sa dingding na "mene, mene, tekel, upharsin" na tanging si Daniel lamang ang tamang nakapagbigay ng interpretasyon. Ang interpretasyon ni Daniel ay ang kaharian ng Babilonya ay ibibigay sa Medes at Imperyong Persiyano. Ayon sa Daniel 5:30-31, ang haring si Belshazzhar ay tinalo ng isang haring Dario ng Medes(hindi umiral sa kasaysayan).
Daniel 5:25 At ito ang sulat na nalagda, MENE, MENE, TEKEL, UPHARSIN.
Daniel 5:26 Ito ang kahulugan ng bagay: MENE; binilang ng Dios ang iyong kaharian, at niwakasan.
Daniel 5:27 TEKEL; ikaw ay tinimbang sa timbangan, at ikaw ay nasumpungang kulang.
Daniel 5:28 PERES; ang iyong kaharian ay hinati at ibinigay sa mga taga Medes at taga Persia.