Ang Apat na mga Mahal na Katotohanan (Sanskrit: catvāri āryasatyāni; Pali: cattāri ariyasaccāni) ang itinuturing na pinakamahalagang doktrina ng Budismo. Ito ay sinasabing nagbibigay ng balangkas na pangkonsepto sa lahat-lahat ng mga kaisipang Budista. Ang apat na mga mahal na katotohanang ito ay nagpapaliwanag ng kalikasan ng dukkha (Pali; na karaniwang isinasalin na "pagdurusa", "kabalisaan", "stress", "kawalang satispaksiyon"), ang mga sanhi nito at kung paano ito mawawakasan. Ayon sa tradisyong Budista, unang itinuro ni Gautama Buddha ang mga apat na mahal na katotohanan sa pinakaunang turong kanyang ibinigay pagkatapos niyang makamit ang Kaliwanagan.
Ang apat na mga katotohanan ay:
- Ang katotohanan ng dukkha (pagdurusa, kabalisaan, kawalang satipaksiyon)
- Ang katotohanan ng pinagmulan ng dukkha
- Ang katotohanan ng pagwakas ng dukkha
- Ang katotohanan ng landas tungo sa pagwakas ng dukkha
Ang unang katotohanan ay nagpapaliwanag ng kalikasan ng dukkha na karaniwang isinasalin na pagdurusa, kabalisaan, kawalang satipaksiyon etc., at sinasabing may mga susumunod na tatlong aspeto:
- Ang halatang pagdurusa ng karamdamang pisikal at pangkaisipan, pagtanda at pagkamatay
- Ang kabalisaan o stress ng pagtatangkang kumapit sa mga bagay na patuloy na nagbabago at
- isang kawalang satipaksiyon na laganap sa lahat ng mga anyo ng buhay sanhi ng katotohanan na ang lahat ng mga anyo ng buhay ay hindi permanente at patuloy na nagbabago
Ang ikalawang katotohanan ay ang pinagmulan ng dukkha ay malalaman. Sa loob ng konteksto ng apat na maharlikang katotohan, ang pinagmulan ng dukkha ay karaniwang pinapaliwanag bilang pagnanasa (Pali: tanha) na kinondisyon sa kamangmangan (Pali: avijja).Sa isang mas malalim na antas, ang ugat na sanhi ng dukkha ay tinukoy na kamangmangan (Pali: avijja) ng tunay na kalikasan ng mga bagay. Ang ikatlong mahal na katotohanan ay ang kumpletong pagwakas ng dukkha ay posible at ang ikaapat na katotohanan ay tumutukoy sa isang landas sa pagtigil na ito. Ang landas na ito ang Waluhang Mahal na Landas. Ang walong ito ay ang:
- Wastong Pananaw o pagkaunawa
- Wastong Pag-iisip o layunin
- Wastong Pananalita
- Wastong Pagkilos o aksiyon
- Wastong Hanapbuhay o pamumuhay
- Wastong Pagsusumikap
- Wastong Pagninilay-nilay o kamatyagan
- Wastong Konsentrasyon.